ika-9 ng Enero taong 2012, pista ngayon ng Itim na Nazareno ang patron ng Quiapo Church. wala nanamang pasok sa San Beda, kaya nag-leave ako sa trabaho. magandang dahilan hindi ba? haha!
2012 kakaiba ang kaganapan sa Quiapo dahil inabot ng buong araw at posible pang maging dalawang araw ang pag usad ng prusisyon ng Itim na Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church dahil sa Logistical Error at Implementation stupidity.
Hindi yung mga aberya ang nkapagpabadtrip saken, kundi ung mga tao mismo. yung purpose nung procession. baket? baket nauwe sa malinaw na IDOLATRY ang mga Pinoy? kala ko ba mga debotong Kristiyano ang karamihan ng mga Pilipino? pero bakit ganito? wala ng pinagkaiba ang mga taong halos taon taon eh sinusugal ang buhay makasali lang sa prusisyon, sa mga taong sumasamba sa GOLDEN CALF na nabanggit sa EXODUS 32:4
Nagiging desperado na ba tayong mga Pilipino sa hirap ng buhay naten kaya nagaya na tayo sa mga Israelaites na ito na sa pagkawala ni Moses eh nauwi sila sa pagsamba sa golden calf na to? hindi kaya wala na tayong pananampalataya at paniniwala sa Diyos kaya ganun ka grabe ang devotion ng mga tao sa Physical representation ng Diyos? kase ndi na sila satisfied sa mere Faith?
Kaya ako, mejo magssteer away muna ako sa conventional stuff na ganyan. I'd rather believe in what i know kesa naman sumamba sa isang bagay na gawa sa kahoy. Hindi ako isang stupid follower para maniwala sa mga bagay na walang basehan.
KALOKOHAN!